Pinatay ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang kanilang bihag na Dutch National sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Divino Rey Pabayo Jr., pinagbabaril ang dutch na si Ewold Horn ng kanyang bantay matapos nitong tangkaing tumakas sa gitna bakbakan ng Abu Sayyaf at Militar.
Natagpuan ng militar ang bangkay ni Horn matapos ng isa’t kalahating oras na pakikipagbakbakan sa halos 30 miyembro ng bandidong grupo sa Sitio Bud Sub-Sub sa barangay Pansul.
Nakita rin sa lugar ang bangkay ni mingayon sahiron, pangalawang asawa ni Abu Sayyaf leader Radullan Sahiron.
Si Horn ay dinukot ng grupo noong February 1 2012 sa karagatang bahagi ng barangay Parangan, Panglima Sugala Sa Tawi-Tawi.
Samantala, nagresulta naman ng engkwentro sa pagkasawi ng 6 na miyembro ng Abu Sayyaf group at pagkasutan ng 12 iba pa gayundin ng 8 sundalo.