Naglatag na ng designated bike lane ang pamahalaan ng lunsod ng Maynila sa iba’t ibang lugar.
Isa rito ang mahigit sa 1-kilometrong designated bike lane sa Taft Avenue na sumasakop sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan maraming frontliners ang pumapasok nang naka-bisikleta.
Sakop ng designated bike lane ang kalahati ng isang lane na may nilagyan ng blue and white barrier.