Nakatakdang ilunsad muli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang bike sharing program bilang bahagi ng programa upang mabigyan ng alternatibong transport system ang mga taga-Metro Manila.
Pangungunahan ni MMDA Chairman Emerson Carlos ang re-launching ngayong araw kasabay ng blessing ng 40 bagong mountain bikes na ipahihiram sa mga interesadong pedestrian at commuter.
Ayon kay Carlos, isa rin itong hakbang upang mahikayat ang maraming pasahero at motorista na bawasan ang paggamit ng mga motor vehicles upang mabawasan ang air pollution.
Itatalaga ang mga bisekleta sa mga bike lanes sa Ortigas patungong White Plains, Temple Drive at Santolan malapit sa Camp Aguinaldo; Rajah Sulayman sa Kalaw, sa kanto ng Museyo Pambata patungong Quirino Grandstand sa Maynila at Ayala sa Makati City patungong Magallanes.
By Drew Nacino