Patay ang isang biker matapos itong mag-collapse habang binabaybay ang kahabaan ng EDSA kaninang umaga.
Sa post online ni Edison ‘Bong’ Nebrija, traffic czar ng metro Manila Development Authority (MMDA), nasa bahagi aniya ng EDSA Magallanes Northbound ang biker nang mag-collapse ito sa sinasakyang bisikleta.
Agad namang nadala ang biker sa Makati Medical Center, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Magugunita sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), tulad dito sa buong NCR, hindi pa rin pinahihintulutan ang pagbyahe ng mga jeep, bus, at mga tren; pwede ang paggamit ng motor basta’t wala itong backride o angkas.
Kaya naman, mas pinili ng karamihan na magbisikleta na lang papunta sa kani-kanilang mga trabaho.
Kasunod nito, umapela naman si Nebrija sa mga gumagamit ng bisikleta na dapat aniyang tiyakin ng mga ito na physically fit kapag babyahe gamit ang bisikleta, lalo na kung malayo ang kanilang pupuntahan at dapat din aniyang maghanda sa napaka-init na panahon.