Posibleng ang mga pagsisiwalat ni alyas ‘Bikoy’ sa serye ng “tunay na drug matrix” video ang nag-udyok sa Malakanyang na mag-alok ng pabuya para sa ika-aaresto ni dating police col. Eduardo Acierto.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Dick Gordon, matagal na niyang ipina aaresto si Acierto makaraang hindi na ito humarap sa mga pagdinig ng kanyang kumite subalit hindi agad gumalaw ang mga otoridad.
Naniniwala si Gordon na sa sandaling mahuli si Acierto ay magiging susi ito upang mabatid kung sino ang nasa likod at paano nakalusot sa Bureau of Customs ang mahigit anim na bilyong pisong halaga ng shabu.
Dapat na rin anyang isama sa pabuya ang pag-aresto kay dating PDEA deputy director Ismael Fajardo.
Samantala, hinahangad ni Gordon na hindi ipapapatay ng mga sindikato ng iligal na droga si Acierto.
(with report from Cely Ortega- Bueno)