Ipinag-utos ng isang korte sa Maynila ang muling pag-aresto kay Peter Joemel “Bikoy” Advincula.
Ito’y bunsod ng kabiguan nitong dumalo sa preliminary conference ng kanyang kasong kriminal kaninang umaga.
Si Advincula ay nahaharap sa kasong Perjury na inihain ng mga flag lawyers na sina Chel Diokno, Ted Te at Erin Tañada.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y pagsisinungaling ni Advincula sa kanyang sinumpaang salaysay kung saan ibinunyag nito ang “Project Sodoma” o ang umano’y planong paupuin sina Vice President Leni Robredo bilang pangulo at Senador Antonio Trillanes, IV bilang pangalawang pangulo.
Idinawit din ni Bikoy sa ouster plot ang mga naturang abogado.