Naghain na ng P18,000 piyansa si Peter Joemel Advincula o mas kilala bilang si ‘Bikoy’ sa kasong perjury kapalit ng kanyang pansamantalang kalayaan.
Ayon sa pahayag, ang kapatid ni alyas Bikoy ang naglagak ng piyansa sa municipal trial court ng Legaspi City, Albay
Mababatid na ang perjury case ni alyas Bikoy ay may kaugnayan sa naging pagsisiwalat nito na nagsasangkot sa ilang miyembro ng free legal assistance group o flag na sina Atty. Chel Diokno, Lorenzo Tañada III at Theodore Te sa tinaguriang “Project Sodoma“ na layon umanong pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.
Nauna nang naglabas ng warrant of arrest laban kay alyas bikoy ang Manila Metropolitan Trial Court Branch 17 matapos makitaan ng probable cause ang reklamo laban dito.