Pumalo na sa halos 900 ang naitalang kaso ng dengue sa Bicol region mula Enero ng taong kasalukuyan
Ayon sa DOH Bicol, sa Albay lamang, mahigit 160 dengue cases na ang naitatala.
Pinakahuling kaso ay ang isang lalakeng teenager sa Guinobatan na nasawi dahil sa dengue.
Patuloy naman ang information campaign ng DOH upang maiwasan ang dengue ngayong panahon ng tag-ulan.
By: Ralph Obina