Gumaling na ang walo kataong nabiktima ng food poisoning sa Tondo, Maynila.
Ayon sa Manila LGU, nakalabas na ng Tondo Medical Center ang lima sa mga biktima, habang tinanggalan na ng tubo at nasa maayos ng kundisyon ang isa.
Noong nakaraang linggo, kabilang ang 8 sa 16 na kataong nalason matapos kumain ng chicken mami sa Barangay 172 sa Gagalangin, Tondo.
Isa sa kanila ang binawian na ng buhay na nakilalang si Josefina Manila, 45- anyos at isang PWD.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagbibigay tulong ng Manila Department of Social Welfare sa mga biktima at pamilya ng mga ito.
Posible namang sa ikalawang linggo pa ng Agosto ilabas ang pagsusuri sa mga pasyente at sa sample ng chicken mami.