Umakyat na sa 12 katao ang isinugod sa ospital matapos ma-heat stroke bunsod ng tumitinding init ng panahon sa lalawigan ng Isabela.
Pitong pasyente ang nananatili sa Provincial Hospital sa Ilagan City habang nasa Intensive Care Unit ang 5 katao kabilang ang isang government employee sa Adventist Hospital sa Santiago City, simula noong Biyernes.
Magugunitang umakyat sa 45 degrees celsius ang heat index o init na naramdaman sa Isabela nitong Biyernes kumpara sa 43.7 degrees celsius noong Miyerkules.
Samantala, isang babae na kinilalang si Julita Santa Monica, 77 taong gulang ang nasawi sa San Fernando, La Union dahil din sa heat stroke, nitong Sabado.
By Drew Nacino