Pumalo na sa 16 ang mga nabibiktima ng paputok at ligaw na bala mahigit isang linggo bago ang Bagong Taon.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, sampu sa mga ito ang nag-iingat, gumagamit o nagbebenta ng iligal na paputok.
Dalawa naman dito ang biktima ng ligaw na bala habang tatlo naman ang iligal na nagpapaputok ng baril at isa ang biktima ng paputok.
Pagtitiyak ni Mayor, magtutuloy-tuloy ang kanilang pagbabantay sa mga naitatalang insidente hanggang sa magpalit ang taon sa ilalim ng Iwas Paputok-Disgrasya 2015 ng PNP.
By Jaymark Dagala