Umakyat na sa 10 ang nabiktima ng mga paputok sa buong bansa bago magpalit ang taon.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nagmula ang nasabing bilang sa 61 health centers mula Disyembre 21 hanggang 26.
Dalawa rito ang mula sa Metro Manila at Bicol Region, tig isa naman ang naitala mula sa Central Luzon, Central Visayas, Calabarzon, Western Visayas, Davao at Soccskargen Region.
Ayon pa sa DOH, karamihan sa mga ito ang nakauwi na sa kanilang mga tahanan matapos sumailalim sa gamutan habang isa na lamang ang nananatili sa ospital.
Sa kabilang banda, sinabi ng DOH na wala pa naman silang naitatalang kaso ng nakalunok ng paputok o ‘di kaya’t biktima ng ligaw na bala.