Apat na kaso ng biktima ng paputok ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Bicol.
Ayon kay Samuel Banico, coordinator ng violence and injury prevention program ng DOH Bicol, pinahuling nabiktima ay isang walong taong gulang na batang babae mula sa Ligao City, Albaya na tinamaan ng piccolo sa kanyang mata.
Ang mga naunang nabiktima ay nasugatan dahil sa mini – bomb, five star at lucis.
Sa huling tala naman ng DOH national, umabot na sa sampu ang nasugatan dahil sa paputok.