Nagkasa na ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) makaraang pumalo sa 30 ang mga biktima ng sexual harassment sa Bacoor National High School.
Ayon kay CHR Regional Director Rexford Guevarra, kinukumbinsi pa nila ang mga estudyante na makapagbigay ng sinumpaang salaysay laban sa mga gurong sangkot sa nasabing insidente.
Siniguro ni Guevarra na matutulungan ng kanilang ahensya ang mga biktima ng panghaharass upang makapaghain ng kaukulang kaso.
Bukod pa dito, bibigyan din ng CHR ang mga estudyante ng psychosocial support at tulong pinansyal.
Una nang nanawagan si Department Of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa, sa mga biktima na magsampa ng pormal na reklamo upang mas mapatibay ang kaso laban sa mga akusado.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng CHR katuwang ang DepEd sa problema kung saan, wala umanong masyadong mga complainants na nagpafile para sa kanilang affidavit.