Pumapalo na sa halos 2.5-M ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kabilang na ang halos 19,000 o 18,659 na mga bagong kaso ng nasabing virus.
Dahil dito, sinabi ng DOH na nasa 175,324 na ang active cases ng COVID-19 kung saan 88.1% ang mild, 6.9% ang asymptomatic, 1.5% ang severe at .7% ang critical condition.
Sumipa rin sa mahigit 2.2-M ang total recoveries matapos maitala ang 9,088 na mga bagong gumaling sa COVID-19.
Nananatili naman sa 37,405 ang death toll matapos walang ini-report na bagong nasawi ang DOH dahil sa technical issues.