Umabot na sa 66.2M indibidwal sa buong bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, target ng pamahalaan na kumpletong mabakunahan ang nasa siyam na raang milyong indibidwal bago matapos ang hunyo.
Sa nasabing bilang 12.2M pa lamang ang nakakuha ng booster dose.
Sa ngayon, tinatayang nasa 6.6M senior citizens at 8.9M may comorbidities na ang nakalabas ng tahanan matapos kumpletong mabakunahan laban sa COVID-19. -sa panulat ni Abby Malanday