Umabot na sa 1.8 million foreign tourist ang bumisita sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, mas mataas ito kumpara sa projection na 1.7 million tourist arrivals hanggang Disyembre.
Kahapon lamang ay inanunsyo ng gobyerno ang pagluluwag ng polisiya sa pagsusuot ng face mask sa indoor areas.
Bukod pa ito sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat nang bumalik sa normal ang sitwasyon upang makabawi ang ekonomiya ng bansa.
Umaasa naman si Frasco na ang nasabing hakbang ang magiging hudyat nang tuluyang pagbangon ng tourism sector ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Jenn Patrolla