These days, pinag-uusapan online ang pamamahagi ng nasabat na smuggled rice ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ngayon naman, patuloy na niyang tutugisin ang smugglers na ito sa tulong ng Anti-agricultural Economic Sabotage Act na siya mismong nag-certify.
Ano ang Anti-agricultural Economic Sabotage Act at paano ito makakatulong sa ekonomiya?
Tara, suriin natin yan.
September 21, 2023 inanunsyo ng Malacañang na cinertify as urgent senate bill ni Pangulong Marcos ang Senate Bill No. 2432 o anti-Agricultural Economic Sabotage Act. sa ilalim ng panukalang ito, magkakaroon ng mas mabigat na parusa ang smugglers at hoarders ng agricultural products.
Kabilang sa mga itinuturing na economic sabotage ang paglikha ng artificial shortage, over importation, manipulation of price and supply, at iba pa.
Life imprisonment at pagpataw ng multa na triple sa halaga ng mga sangkot na produkto ang parusa sa mga mapapatunayang guilty sa smuggling, hoarding, profiteering, at pagka-cartel ng agricultural at fishery products.
Kung government official o employee naman ang mapapatunayang sangkot sa economic sabotage, papatawan sila ng perpetual disqualification. hindi na sila papayagang humawak ng posisyon sa gobyerno, tumanggap ng financial benefits mula sa gobyerno, bumoto at tumakbo sa halalan.
Sa ilalim ng anti-agricultural economic sabotage act, bibigyang mandato ang Department of Justice na bumuo ng special team of prosecutors na magsasagawa ng preliminary investigation. Bubuuin din sa ilalim nito ang Anti-agricultural Economic Sabotage Council na papangunahan ni Pangulong Marcos.
Magpapawalang bisa sa existing Republic Act 10845 o Anti-agricultural Smuggling Act of 2016 ang nasabing Senate Bill. Ayon kay Senator Cynthia Villar, matapos ang pitong taong implementasyon ng anti-agricultural smuggling act ay wala namang naparusahang smugglers ng agricultural products.
Bakit nga ba kailangang higpitan ang batas laban sa smugglers?
Batay sa monitoring ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, tinatayang aabot sa tumataginting na 200-billion pesos revenue ang nawawala sa gobyerno dahil sa smuggling. Malaking banta rin sa kabuhayan ng mga magsasaka ang illegal smuggling ng agricultural products dahil isa ito sa mga rason kung bakit namumuhay nang mahirap ang mga magsasaka natin. Hangad ng panukalang ito na palawigin ang productivity ng mga magsasaka at protektahan sila laban sa mga gahamang traders at importers. kung walang smugglers at hoarders, bababa na ang presyo ng mga produkto at malaking tulong ito sa ating lahat.
Sa mga ginagawang aksyon ng Pangulo para sa agriculture sector, masasabing talagang papunta na tayo sa pagmura ng bigas at mga pagkain sa Pilipinas. Babala nga ni Pangulong Marcos sa ginanap na ikalawang State of the Nation Address o SONA noong July 24, 2023, “bilang na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na ‘yan.” at magkakatotoo na ito.
Ikaw, sang-ayon ka ba na maganda ang magiging epekto ng anti-agricultural economic sabotage act sa ekonomiya ng bansa?