Dumami pa ang mga nagugutom dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa United Nations, umabot na sa 768 million o 118 million ang nadagdag sa bilang ng nagugutom katumbas ng 21% na pagtaas noong 2020 sa gitna ng world economic crisis dulot ng pandemya.
Pinaka-apektado ang mga low at middle-income countries partikular ang mga bansang bantad sa climate-related natural disaster at kaguluhan.
Naalarma naman ang UN sa pagnipis ng food supply na maaaring magpalala sa sitwasyon sa mga susunod pang taon. —sa panulat ni Drew Nacino