Sumampa na sa tatlo ang bilang ng nasawi sa Toril District sa Davao City dahil sa diarrhea.
Ito ay matapos makapagtala ang Davao City Health Office ng dalawang panibagong namatay nitong Miyerkules at Huwebes.
Ayon kay Ashley Lopez, City Health Officer, ang pangalawang nasawi ay isang guro na sumakit ang tiyan matapos bumili ng street food sa kahalintulad na tindahan ng unang binilhan noon ng kauna-unahang nasawi.
Nakatira ang guro sa Surigao del Sur na bumisita lang sa Toril upang magturo.
Ang pangatlong kaso naman ay isang 67-anyos na babae, residente ng Bayan ng sta. Cruz sa Davao del Sur.
Pare-pareho ang naramdaman ng dalawang kaso sa unang nasawi noon dahil sa diarrhea na isang 10-taong gulang na lalaki.
Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng outbreak kung saan ilan sa tinitignang anggulo ay ang ginamit na tubig at pagkain.