Pumalo na sa kabuuang 45,321 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos na maitala ng PNP health service ang 390 na bagong kaso ng virus.
4,028 ang bilang ng mga aktibong kaso sa COVID-19.
41,168 na ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
Samantala, nanatili sa 125 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa PNP. —sa panulat ni Airiam Sancho