Bahagya pang tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon.
Ayon sa Department of Health (DOH), sumampa sa 3,211 ang active cases mula 3,130 noong Martes.
Ito’y makaraang makapagtaala ang kagawaran ng karagdagang256 cases ng COVID-19.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso na may 1,628; sinundan ng Calabarzon, 478 at Central Luzon, 265.
Nananatili naman sa 60,461 ang bilang ng mga nasawi at 3,630,449 ang gumaling sa COVID-19.
Sa kabuuan, 3,694,121 na ang COVID-19 cases sa bansa.