Bumaba ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Davao Oriental.
Batay sa datos ng Department Of Health-Davao Region o DOH-Davao noong Sabado, mayroong 623 active cases sa Davao Oriental kung saan ito ang may pinakamababang naitalang active cases sa anim na probinsya.
Ayon sa provincial government, ito ay dahil sa implementasyon ng pinaigting na mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Nakita ang pagbaba ng mga kaso noong Setyembre 21 kung saan bumulusok ito sa 727 mula sa 820 noong Setyembre 20.
Simula nang isinailalim ang Davao Oriental sa General Community Quarantine with heightened restrictions noong Setyembre 8, ay nakitaan ito ng 40% na pagbaba sa active COVID-19 cases.
Tatagal ang nasabing quarantine classification sa lalawigan hanggang Setyembre 30.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico