Sumampa na sa 12, 528 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon
Ayon sa DOH, ito na ang pinakamataas na active cases simula noong Abril 2022.
Nakapagtala rin ang kagawaran ng 1, 712 bagong nahawa sa COVID-19.
Nananatili naman sa 60, 639 ang mga nasawi, habang 3, 641, 603 ang total recoveries.
Sa kabuuan, pumalo na sa 3, 714, 770 ang COVID-19 cases sa bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang NCR na may 6, 869, Region 4-A na may 2, 915 at Region 6 na may 1, 253.