Sumampa na sa 9,105 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito na ang pinakamataas na active cases simula noong Abril 28.
Nakapagtala naman ang kagawaran ng 1, 302 bagong nahawa sa COVID-19.
Ang mga rehiyong nanguna sa nakapagtala ng bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang NCR na may 5, 243; CALABARZON na may 1, 967 at Western Visayas na may 912.
Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na nananatili pa rin sa 60, 578 habang 3, 637, 268 ang mga gumaling sa COVID-19.
Sa kabuuan, pumalo na sa 3, 706, 951 ang COVID-19 cases sa Pilipinas.