Nakapagtala ang Commission on Elections (COMELEC) ng pagtaas sa bilang ng aplikasyon para sa voter’s registration.
Sa gitna ito ng ikalawang linggo nang implementasyon ng Register Anywhere Project (RAP) sa iba’t ibang malls sa Metro Manila at 200 probinsya sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng Comelec, pumalo na sa 1,129 na aplikante ang nagpatala sa RAP booths, sa 8 malls nitong Enero 7 at 8.
Halos doble ito kumpara sa 611 aplikante, sa unang bugso ng rehistrasyon noong Disyembre 17 hanggang 18 nakaraang taon.
Ang SM Fairview sa Quezon City ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng rehistrasyon na may 381, sinundan ng; Manila, 269; Robinsons Galleria, 169; SM Sucat, 149.
Ang iba pang lugar na mayroong RAP registrations ay ang; SM Mall of Asia, Robinsons Tacloban, SM City Legazpi at Robinsons Naga.