Tumaas ng 19 percent ang daily average COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na pitong araw.
Batay sa report ng independent monitoring group na OCTA Research, mula may 13 hanggang 19 ay tumaas sa 71 ang mga kaso kumpara sa 59 noong May 6 hanggang 12.
Tumaas rin sa 0.90 ang reproduction number ng rehiyon, na ikinukunsiderang ”moderate”.
Nananatili naman sa 1.2% ang positivity rate at nasa 22% ang hospital care utilization rate sa NCR.
Tumaas rin ang one-week average daily attack rate sa 0.50 mula sa dating 0.42
Sa kabila nito, nananatiling low risk sa COVID-19 ang NCR.