Bumaba ang bilang ng arawang pagbabakuna kontra COVID-19 dahil sa limitadong manpower.
Ayon ito kay Dr. Ted Herbosa, consultant ng National Task Force Against COVID-19 matapos bumaba sa 300,000 hanggang 400,000 ang pagbabakuna kumpara sa dating 700,000 kada araw.
Sinabi ni Herbosa na hindi na supply ng bakuna ang problema kundi ang mga taong magbabakuna.
Dahil dito, sinuportahan ni Herbosa ang plano ng CHED at DOH na himukin ang medical students na mag-volunteer bilang vaccinators.