Umabot sa 8k ang backlog ng Land Transportation Office (LTO) sa Davao City para sa mga nagpaparehistro at kumukuha ng lisensya mula noong July 14, 2022.
Sa panayam ng Dwiz, ipinaliwanag ni LTO-Davao Chief Melenchio Bong Diaz Jr. Na dumadami kasi ang ini-encode na data ng mga encoder para sa system nito.
Aniya, sa ngayon ay umaabot ng dalawa hanggang apat na oras ang transakyon para sa mga nagpaparehistro at kumukuha ng lisenya kumpara sa limang minuto noong mabilis pa ang sistema na ginagamit nito.
” Dalawa.. Dalawang oras hanggang apat na oras.. depende ho kung gaano po kabilis ang sistema natin minsan po nagslowdown pa po, nagooffline, so tumatagal po, tumatagal po pag ganon po”
Samantala, sinabi ni diaz na naipabatid na sa bagong hepe ng lto ang naturang usapin.
“sa palagay ko po kasi mayroon po siyang announcement po na alam niya ang nangyayari sa mga bagong aplikante, pinapakinggan niya ang mga empleyado”