Malapit nang matapos ang overhauling na ginagawa sa mga bagon ng Metro Manila Rail Transit (MRT)-3.
Ito’y dahil sumasailalim sa quality at safety tests ang mga bagon bago ibyahe sa mainline at sakyan ng mga pasahero gaya ng pagpapalit at pagsasaayos sa mga piyesa nito.
Batay sa ulat ng pamunuan ng tren, lima na lamang mula sa kabuuang 72 bagon ang kailangang i-overhaul bilang bahagi ng maintenance program ng MRT-3.
Kung saan sa ginawang serye ng quality at speed checks sa mga ito, nakita anila na mabilis at siguradong ligtas ang magiging takbo ng tren na kayang magsakay ng 124 pasahero kada bagon. —ulat mula kay Tina Nolasco (Patrol 11)