Mararanasan sa Hunyo 21, araw ng Miyerkules ang pinakamahabang pagsikat ng araw o ang summer solstice.
Dahil dito, mas mahaba ang daylight na magsisimula pasado ala 5:00 ng umaga hanggang pasado ala 6:00 na posibleng umabot pa ng ala 7:00 ng gabi.
Samantala, ipinabatid ng PAGASA weather forecasting division na walang aasahang La Niña o mas maraming pag-ulan ngayong taon.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na nasa siyam hanggang 14 na bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility simula ngayong buwan hanggang sa Nobyembre.
By: Jaymark Dagala