Mahigit 1-M indibidwal na ang nabakunahan kontra COVID-19 simula nang ilatag ang vaccination roll-out noong Marso sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nasa 657,748 na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang nasa 342,273 na ang full vaccinated.
Sinabi ni Moreno na hindi kailangang matakot sa bakuna dahil ito ang magbibigay ng proteksyon sa bawat isa.
Aniya, patuloy ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan ng Maynila para mabigyan ng pag-asa ang mga residente ng lungsod para makabalik sa normal na pamumuhay.
Samantala, tiniyak ni Moreno na makakamit rin natin ang tagumpay kapag nabakunahan na ang lahat sa bansa.