Bumaba ang bilang ng mga balikbayan boxes na dumarating ngayon sa bansa kumpara sa nakagawian na dagsa lalo na tuwing palapit na ang holiday season.
Batay sa report ng cargo forwarders, mistulang pahiwatig ito ng mga Overseas Filipino Workers na mas mabuting huwag na lang magpadala kaysa madagit pa ng mga tiwali sa Bureau of Customs.
Matatandaang negatibo ang reaksiyon ng mga OFWs sa plano ng Bureau of Customs na manual inspection ng mga balikbayan boxes para umano masawata ang smuggling.
Kumalat din sa social media ang mga nabuburiki o kaya naman ay nasisirang kahon ng mga balikbayan boxes na tila nasalaula ng sampung beses.
By: Aileen Taliping (patrol 23)