Umabot na sa 40,419 ang bilang ng mga batang edad 12 hanggang 17 anyos na may comorbidity ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, mayroong 1.2 milyong kabataan na may comorbidity sa buong bansa.
Matatandaang sinimulan ang pagbabakuna sa mga bata na mayroong comorbidities sa Metro Manila noong Oktubre 15.
Samantala, sinimulan na rin ang pagbabakuna sa pediatric population kung saan 11.4 milyon naman ang target na mabakunahan.
Plano ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 80% ng pediatric population bago matapos ang taon.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico