Nadagdagan pa ng labing siyam (19) ang bilang ng mga nabiktima ng paputok.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa tatlong daan at pito (307) ang kabuuang bilang ng firecracker related injuries simula Disyembre 21 hanggang ngayong araw.
Walo anila sa labing siyam na bagong kaso ay mula sa Region 1, tatlo sa Regions 6 at 4-A, dalawa sa National Capital Region at tig-isa sa Regions 3, 11 at 12.
Nangunganang dahilan pa rin sa mga naitlang kaso ng mga nabiktima ng paputok ang kwitis na aabot sa animnapu’t walo, sinundan ng luces na tatlumpu’t lima, pumangatlo ang piccolo na dalawampu, boga na labing siyam at fivestra na labing anim.
Binigyang diin naman sa fireworks related injury surveillance report ng DOH na mababa pa rin ng apatnapung (40) porsyento ang naitalang kaso ng mga biktima ng paputok sa 2019 kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
(Ulat ni Aya Yupangco)