Halos isang milyong Filipino ang binakunahan ng COVID-19 vaccine sa kabila ng suspensyon ng gobyerno sa national vaccination program sa 11 rehiyon bunsod ng bagyong Odette.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, 953,624 ang nakatanggap ng bakuna unang araw ng “Bayanihan Bakunahan 2.”
Katumbas anya ito ng 83.7% sa day 1 ng vaccination drive na nakatakda namang magtapos ngayong araw.
Pinaka-marami sa mga binakunahan ay sa National Capital Region at Cordillera Administrative Region.
Nagsagawa rin ng bakunahan sa CALABARZON, Cagayan Valley, Central Luzon at Ilocos Region.