Inaasahang mas mataas ang bilang ng mga botante sa 2016 elections kumapara noong 2010 at 2013.
Bagamat wala pang opisyal na datos ang Commission on Elections (COMELEC) kung ilan registered voters para sa 2016 maaari anilang mas mataas ito kumpara sa nagdaang dalawang eleksyon.
Nitong katapusan ng Oktubre pormal na nagtapos ang registration of voters at pagpapa-validate ng mga biometrics.
Dadaan muna sa hearing ng ERB o Election Registration Board ang mga registration ng mga botante bago sila tuluyang mailagay sa voters list.
Sa February 9, inaasahang ilalabas ng COMELEC ang certified list of voters para sa 2016.
Noong 2010, mayroong 51.2 million registered voters samantalang 52.9 million naman noong 2013.
By Len Aguirre