Mas tumaas pa ang lamang ni Vice President Leni Robredo kay dating Senador Bong-bong Marcos sa ginawang recount ng Presidential Electoral Tribunal (PET).
Lumamang pa si Robredo ng mahigit 15,000 boto sa tatlong (3) pilot provinces na napili ni Marcos sa kanyang isinulong na protesta partikular ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Mula sa dating 263, 473 ay naging 278,555 votes na ang lamang ni Robredo kay Marcos.
Dahil dito, nakasaad sa naging dissenting opinion nina Supreme Court Acting Chief Justcie Antonio Carpio at Associate Justice Benjamin Caguiao na dapat nang ipatupad ang itinatakda ng Section 65 ng PET rules.
Sa nasabing panuntunan, kapag nabigo ang nagpo-protesta na makalamang sa pinili niyang tatlong (3) pilot areas ay dapat nang ibasura ng PET ang election protest.