Umakyat na sa 216 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pagtama ng 7.1 magnitude na lindol sa Mexico.
Gayunman, marami pa rin ang nawawala matapos ang pagyanig na nagdulot ng malaking pinsala sa mga gusali at bahay patikular na sa Puebla, Mexico City gayundin sa Morelos.
Ito na ang opisyal na bilang ng casualties nang ibaba ito ng mga awtoridad sa Mexico makaraang maisaayos ang kanilang listahan mula sa unang bilang na 248.
Ayon kay Mexican President Enrique Peña Nieto, karamihan sa mga nasawi ay pawang mga mag-aaral na na-trap sa gumuhong gusali ng mga paaralan.
Kasabay nito, muling nagpaabot na ng pakikiramay ang Pilipinas sa bansang Mexico at mahigpit ding tinututukan ng pamahalaan ang sitwasyon duon.
Magugunitang nadamay maging ang gusali ng Embahada ng Pilipinas sa Mexico sa mga napinsala ng malakas na pagyanig subalit masuwerte namang walang nasaktan o nasawi roon.
SMW: RPE