Tinatayang aabot na sa walo ang napaulat na bilang ng mga nasawi kasunod ng pananalasa ng bagyong Vicky sa bansa.
Batay ito sa nakalap na datos ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang monitoring hinggil sa pananalasa ng bagyo.
Batay sa datos, pito ang naitalang nasawi sa Eastern Visayas at Caraga Region, isa naman ang sugatan habang apat ang napaulat na nawawala.
Pero ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Spokesman Mark Timbal, tatlo ang naitala nilang nasawi sa bahagi ng Leyte at Mindanao area.
Gayunman, patuloy pa silang nakatatanggap ng mga ulat mula sa kanilang regional offices at kanila pa nilang hinihintay ang beripikadong ulat mula naman sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Hanggat hindi pa tayo nakakatanggap ng kumpletong pag-uulat lalo na yung cause of death hindi pa natin yan tuwirang binibilang dito sa national operations,” ani Timbal.