Mas maraming Chinese tourist ang inaasahang daragsa sa Ilocos Norte at iba pang bahagi ng bansa ngayong taon makaraang ibalik ang chartered flights mula Guangzhou, China hanggang Laoag International Airport.
Mahigit isandaang (100) turistang Tsino sakay ng China Eastern Airlines ang dumating sa Laoag at inaasahang madaragdagan ito kada linggo.
Ayon sa Department of Tourism-Region 1, magugunitang sinuspinde ang Guangzhou-Laoag chartered flights nang tatlong buwan matapos mapaso ang kontrata ng Fort Ilocandia Resort Hotel sa China Eastern Airlines.
Isa ring rason kaya’t natigil ang flight operations ay ang masamang panahon tuwing Agosto hanggang Oktubre.
Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga turistang Amerikano sa bansa.
By Drew Nacino