Inihayag ng National Patient Navigation and Referral Center (NPNRC) na pantay na ang bilang ng COVID-19 at non-COVID inquiries na kanilang natatanggap.
Ayon kay NPNRC Operations Manager Dr. Bernadett Velasco, nasa 250 hanggang 500 tawag kada araw ang natatanggap nila.
Mas marami aniya ang tumatawag na nagre-request ng isolation facilities, hospital admission at teleconsultation o outpatient scheduling.
Samantala, mula sa Metro Manila at CALABARZON ang karamihan sa mga tumatawag.