Inihayag ng Department of Health- Davao region na unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay DOH-Region 11- Dr. Gerna Manatad, 420 ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula sa higit isang libo ang naitala sa nasabing lugar kahapon kung saan ito ay umabot sa kabuuang mahigit 8,659.
Sinabi pa niya na ang Intensive Care Unit (ICU) beds ay nasa 34% occupancy lamang, halos 50% naman ang occupancy rate ng isolation beds at ang ward beds ay 50%.
Matatandaang sinabi ng DOH noong nakaraang linggo na nasa “critical risk” sa COVID-19 ang naturang rehiyon. —sa panulat ni Airiam Sancho