Tuluyang bumaba na sa 0.87 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region o NCR ayon sa OCTA research.
Sinabi ng OCTA, na ikinukunsidera na itong “low” dahil mas mababa ito sa 0.9.
Bumaba na rin umano sa 3,891 ang average ng bagong kaso ng COVID-19 sa NCR sa nakalipas na pitong araw.
Gayunpaman, nananatili pa rin umanong high risk ang NCR ngunit posibleng mabago ito sa moderate risk sa mga susunod na linggo.
Sa ngayon, nasa moderate risk sa NCR ang Navotas, Maynila, Malabon, Pasay, Valenzuela at Pateros.