Umabot na sa 14.2 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang na-ideliver sa Pilipinas.
Kabilang dito ang binili ng gobyerno at natanggap bilang donasyon mula sa ibang bansa gaya ng mga bakunang Sinovac, Sputnik V, AstraZeneca at Pfizer.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na kinumpirma ng Sinovac ang delivery ng 1.5 million doses sa hunyo 24.
Habang sa Hunyo 27 naman darating ang 250,000 doses ng Moderna na binili ng pribadong sektor.
Darating din ang mahigit 2 million doses ng AstraZeneca vaccine, at 150,000 doses ng Sputnik V ngayong buwan.
Inaasahan din na matatanggap ng bansa ang mga donasyong bakuna mula sa US bago matapos ang buwan. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico