Bumaba sa 8% ang bilang ng crime incidents sa bansa mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Batay sa datos ng Philippine National Police(PNP), mas mababa ito kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.
Pero, ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, bagaman bumaba ang kabuuang crime incidents at several index crimes ay tumaas naman ang theft incident sa 8 point 62 % at robbery na point 49 percent (49%) ngayong taon.
Binigyang diin din ni Fajardo na hindi maikakaila ang serye ng insidente ng pagdukot, pagkawala at ilang araw matapos nito ay makikitang patay na ang biktima subalit, ito aniya ay naresolba na ng ahensya.
Base sa datos, nakapagtala ang pnp ng 25 insidente ng kidnaping mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon na karamihan ay may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).