Umakyat na sa 313, 050 na dayuhang turista ang dumating sa Pilipinas, simula a-10 ng Pebrero hanggang a-25 ng Abril.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, karamihan sa mga foreign tourist ay nagmula sa Estados Unidos, Canada at South Korea.
Bagaman hindi pa naaabot ng bansa ang pre-pandemic na bilang ng mga foreign tourist arrival, makabubuti ito para sa unti-unting pagsigla ng turismo sa bansa.
Katuwang ng DOT sa pagbabantay sa mga pumapasok na dayuhan ang DILG.