Papalo lang sa halos 2M deboto ang lumahok sa pagdaraos ng Pista ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila nitong Lunes.
Ayon kay Father Earl Valdez, tagapagsalita ng Quiapo Church, higit na doble ang bilang sa naitala noong 2021, ngunit malayo kumpara sa 5M bilang ng deboto noong bago nagsimula ang pandemya.
Dahilan ng maliit na bilang ang kanselasyon ng ‘’Traslacion’’ dahil sa Covid-19 pandemic.
Ang ‘Walk of Faith’ procession mula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church ay kaunti rin ang dumalo, malayo sa tradisyunal na “Traslacion,” kung saan nagkukumpulan ang mga tao sa paligid.
Ngayong 2023 na ang ikatlong taon na sinuspinde ang Traslasyon, na Reenactment ng 1787 Traslacion na nangangahulugang “Solemne Transfer” ng imahe mula sa orihinal nitong dambana sa Bagumbayan, na kasalukuyang Rizal Park, hanggang sa Quiapo Church.