Pumalo na sa 51, 622 ang kabuuang bilang ng dengue cases sa buong bansa.
Simula ito Enero hanggang Hunyo 2022 na mas mataas kumpara sa 32, 610 cases na naitala noong nakaraang taon.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinakamarami sa mga kasong ito ay nagmula sa Region 3, 7 at 9.
Bilang tugon, binuksan ng DOH ang dengue fast lane sa mga ospital upang matiyak na hindi na maghihintay ng matagal ang mga pasyente.
Nakapag-download na rin ang DOH ng pondo sa kanilang regional offices.
Sa ngayon, nakipagugnayan na ang kagawaran sa Regional offices, upang ma-mobilize ang mga dengue brigade sa mga komunidad, paaralan, at iba pang sektor.