Pumalo na sa anim na digital banks ang pinayagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makapag-operate sa bansa.
Ito ay matapos bigyan ng BSP ng Certificate of Authority nitong Hulyo ang Union Digital Bank Incorporated at Gotyme Bank Corporation.
Ang iba pang bangko na pinayagang makapag-operate ay ang; Tonik Digital Bank Incorporated; Maya Bank; Unobank Incorporated; at Overseas Filipino Bank Incorporated.
Gumagana ang mga nabanggit na bangko sa pamamagitan ng electronic channels tulad ng cellphones.